Message

Nagpapasalamat kami sa lahat ng sumuporta sa aming kumpanya. Sa halos 1 taon at kalahati namin paninilbihan. Gusto ko lang ipaalam sa inyo na marami kayong natulungan na mga tao. Hinde man kami perpektong kumpanya pero ang masasabi lang po namin ay gagawin namin ang aming makakaya upang maibigay namin sa inyo ang tamang serbisyo.

Gusto ko lang din ipaalam sa lahat ng nakakabasa ng aming website na sana ay tulungan ninyo kaming malinis at mapaayos ang massage company sa pilipinas. Mahirap man dahil may bahid na hinde kagandahan ang massage sa pilipinas ngunit umaasa kami na sa aming maliit na paraan ay mapapaayos at mapapaganda ang imahen ng massage industry sa pilipinas.

Kung kaya’t tinatawagan ko ang mga massage owners na makipagtulungan upang mapaayos at magkaroon ng standard ang massage industry sa pilipinas at masugpo ang mga kumpanyang nagbibigay extra serbisyo.


{{ Html::script('public/assets/frontend/js/views/view.home.js') }